More

    Where breastfriends meet

    MobilityCarsWhere breastfriends meet

    Three women from different walks of life share their close encounters with the Big C, and their transformation into fearless breast cancer warriors. They were among the close to 40 charity patients served at the first medical mission of the Alagang Breastfriend Mobile Diagnostic Clinic, the first of its kind in the country.

    AILEEN CALDERON, 57, is a cancer survivor and president of the PGH Cancer Survivors Organization. “Laban kayo. Talo ang cancer. Panalo tayo.”
    GINA BALINO, 45, a stay-at-home mom from Bulacan, is undergoing treatment for Stage 3 breast cancer. “Nilakasan ko ang loob ko na ma-survive ko kasi tatlo ang anak ko.”
    EMMA ANAS is a midwife who hs been working at the UP-PGH Cancer Institute since 1982. “Ang cancer, pag maagang ma-detect, malaki ang pag-asang (magamot).”

    How did you discover that you had cancer?

    Aileen: At first, wala akong naramdaman. Nakita lang ng anak ko na lumalaki ang tiyan ko. That was 2013. Nasa Dubai ako noon (as) an OFW. Wala akong symptoms, wala akong bleeding. At 54, hindi ka naman siguro magbubuntis. Sabi ko sa anak ko, “Ok, magpapa-checkup ako.” Sa Dubai, napakamahal ang magpa-checkup, so hinintay ko yung health card ko na ma-release. (Nagpa-lab test ako), nagpa-pregnancy test pa nga ako. Sabi nila, seven months pregnant ako. Then, at the last minute, sabi nila, “You are at Stage 4 cancer, ovarian. Go home and have an operation immediately.” I went home in 2016.

    Gina: Nakita ko kasi na may bukol. Kinapa ko at may bukol nga. Nagpa-ultrasound ako. Sabi naman nung nagbasa na duktor na wala daw dapat alalahanin. Binigyan niya ako ng tabletas para matunaw. Nagtaka ako kasi lumalaki, kaya lumipat ako sa PGH. Nagpa-mammogram ako at yun na nga, sabi ng duktor cancerous–Stage 2. Nung pumasok ako sa PGH, sa private ako, pero lumipat ako kasi mahal. Medyo tumagal ang proseso kaya nung nakita na (uli), nag-Stage 3 na. Nagpa-biopsy ako. Sabi, hindi daw pwedeng operahan kasi malaki daw yung bukol, so uunahin ang eight cycle chemotherapy.

    How has the UP-PGH Cancer Institute helped you?

    Aileen: OFW ako. Wala akong pera, so nasa charity ako. Sabi sa akin ng duktor, “Maghanda ka ng P10-15,000 for the operation.” Ang mister ko, madiskarte, so napa-sponsor kami ng PGH sa new bill balance (NBB) ng PhilHealth. Yung NBB ko, libre lahat, pati room. Yung two months chemo, sponsored ng NBB. Ang binili lang namin, yung mga wala sa PGH. Thankful talaga ako na na- sponsor ako.

    Emma: In my 36 years of service sa Cancer Institute, marami akong nakilalang pasyenteng may cancer–cervical, ovarian, endometrial, breast…. Pag na-diagnose, nade-depress na sila. Dati, nakakauwi kami ng maaga, pero ngayon (sa dami nila), nag-eextend kami ng two or three hours kasi hindi kayang i-oversee ng mga duktor ang lahat. Mahirap, pero love ko ang trabaho ko. Alam mo bang pinaghandaan pa ako (ng mga pasyente) ng party? Napakaganda ang relationship ko sa kanila. You assist them. You encourage them.

    Gina: Ok naman ang medical staff sa pag-assist sa amin. Kami namang mga pasyente, nagkaka- kwentuhan, (nagba-bonding,) nagkaka-share share ng problema…

    Best advice for Filipinas on breast cancer awareness

    Aileen: Sa mga may cancer, bilang president ng PGH Cancer Survivors Org: “Lumaban kayo.” Hindi naman ibibigay sa atin itong sakit na ito kung hindi natin kayang labanan. First thing is, maging malapit tayo kay Lord…. Huwag ninyong alagaan ang sakit kasi pag inalagaan mo ang cancer, talo ka. Ang motto ng Cancer Coalition Act ay, “Laban kayo. Talo ang cancer. Panalo tayo.” Let’s help each and every one….lalo na yung mga galing probinsya–maraming tanong kung ano ang kailangang gawin.

    Emma: Sa ngayon talaga, ang daming gumagaling basta nasa early stages. May mga duktor, marami na ring modernong gamot. Basta sumunod ka lang. Marami na pong access. Konti na lang ang requirements, lalo na dito sa PGH. Ang daming pasyente dito kasi ang alam nila, nandito na ang lahat.

    Gina: Think positive. Palaging mag-pray para tulungan tayo ni God. Nilalakasan ko ang loob ko na maka-survive kasi tatlo ang anak ko. Kailangan nila akong mabuhay. Saka huwag lang magpapadala sa stress. May ganyan ka na ngang kalagayan, magpapa-stress ka pa.

    On the #AlagangBFF Mobile Diagnostic Clinic

    Aileen: I am still on chemotherapy for ovarian cancer (pero) sabi ng duktor, “There is a possibility that you have a risk for breast (cancer).” Kaya nagkainteres akong magpa-checkup. Napakalaking tulong ito sa mga pasyenteng Pilipino, lalo na kung mag-barangay to barangay sila…lalo na sa mga hindi nakakapunta sa hospital kasi walang panggastos. Mammogram na lang, malaking pera kaagad ang kailangan. Itong Alagang Breastfriend ay talagang hulog ng langit para sa mga pasyente.

    Emma: Galing akong night duty. Tapos narinig ko, nandito yung Alagang Breastfriend, magko-conduct daw ng breast screening. Sa buong buhay ko, first time kong magpa-test. Malaking bagay ito kasi ang early detection ay makakapagbigay ng pag-asa. Pag na-install ito sa mga barangay, maraming matutulungan. Kasi ang cancer, pag maagang ma-detect (malaki ang pag- asang magamot).

    Gina: Nagpapasalamat ako sa PGH at sa Alagang Breastfriend na lahat kaming mga nangangailangan ng tulong ay mabibigyan ng mammogram na libre. Sa katulad namin, dahil isa lang ang nagtatrabaho sa amin, yung magpapa-mammogram ay labis na mahal. Kaya nung narinig ko na libre, sumama na ako.

    Breastfriends (L-R) UP-PGH Executive Director Gerardo Legaspi, HFI President Ma. Fe Perez-Agudo, Chairman of the UP-PGH Cancer Institute Dr. Jorge Ignacio

    Alagang Breastfriend (#AlagangBFF) is HARI Foundation Inc.’s (HFI) and partners UP-PGH and the UP-PGH Cancer Institute’s flagship wellness campaign for women to take charge of their health and so continue to be a driving force for the betterment of society.

    The Alagang Breastfriend Mobile Diagnostic Clinic, the first of its kind in the country, is a customized Hyundai H350 luxury van equipped with state-of-the-art mammography and breast ultrasound facilities and manned by the UP-PGH medical missions to impart relevant information about breast cancer and offer free screening for early signs of breast cancer to women in underserved communities.

    For more information about Alagang Breastfriend and breast cancer awareness visit the HyundaiPH Facebook page @hyundaiph #AlagangBFF

     

    Related Posts